Search:
Friday, March 16, 2012
Buhay OFW!
Ang buhay ng isang OFW hindi ganun kaganda o kasaya tulad ng iniisip ng karamihan, tulad ng iniisip ng pamilya ng ilan na pag pumasok ka sa trabaho pag uwi mo may bitbit ka nang ISANG SAKONG DOLYAR upang ipamahagi sa mga taong walang ibangalam na gawin kung hindi ilahad ang mga palad at mag intay ng graSya...Nakaka sama ngloob makarinig ng mga gantong kwento ng kapwa ntin.. Bakit ganon sila? hindi ba nila iniisip na sa bawat araw na pag pasok namin sa mga trabaho ay kalusugan at kaligtasan ang naka salalay? kahit kailan ba nag tanong man lang sila kung kumain na si JUAN? kung maayos ba kalagayan ni juan... hindi ba nila iniisip kung gaano kahirap pinag dadaanan ng ilang JUAN sa mundo sa tuwing magkakasakit? walang kapamilya man lamang na mag aabot ng gamot upang inumin, mag aabot ng pagkain upang makain,o kahit haplos ng pag aaruga... ang bawat hiwa, bali ng buto, sakit ng katawan dulot ng trabaho.. minsan ba naisip nila yun? mabigat na kalooban sa mga masasamang salita ng mga amo o kapwa, wala man lamang makapag tanggol kay JUAN... Nakaka tawa nga eh, sa loob ng isang buwan mabibilang mo yung mga tunog ng roaming ng mga JUAN.. tunog ng cellphone.. excited nman ang mga JUAN sa pag hawak ng kanilang telepono dahil alam nila na sa PINAS galing ang mensahe... "kuya, mag papakasal na ako, wala akong pang gastos" "lilipat kami ng apartment wala kaming pang bayad" "pahinginaman pang bili ng motor" " malapit na pasukan kailangan ng tuition" "pahiram daw ng pera kabitbahay at ang kumare" "birthday ko na, regalo ko?" "may bagong damit, relo at alahas kaibigan ko gusto ko din yon padalhanmo naman ako" "pahingi ng pera kailangan ko lang..." "kailan ang uwi mo wag mong kalimutan pasalubong ko ha" Ang ilan lang sa mga mensahe na natatanggap nila.. nakakatawa noh!!.. ang yaman ng mga OCW/OFW... Tanong ko lang, hanggang kailan marerealize ng mga tao sa pinas ang kahalagahan ng isang kapamilya? kapag ba maraming perang ipinadadala buwan- buwan? o sapat ng ligtas sa kapahamakan? minsan inisip ko sana maranasaN ng lahat ng PALA-ASANG TAO SA PINAS(sorry sa term) ang buhay ng mga OCW/ OFW... hanggang kailan kayo mumulat sa katotohanan..HINDI BASTA BASTA NADAKOT NG PERA S ABROAD ANG MGA OFW SANA NMN PAHALAGAHAN ITO NG MGA NAIIWAN S PINAS AT TULUNGAN NILA DIN N MAKAPAG IPON ANG OFW N SIYA NAGPAPAKAPAGOD.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment